Recto Bank incident, hindi maituturing na ordinaryong aksidente

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Senador Nancy Binay ang pahayag ng Tsina na simpleng aksidente lamang ang pagbangga ng isang Chinese vessel sa isang bangka ng mga Pilipinong mangingisda.

Giit ni Binay, hindi maaaring maging ordinaryong aksidente ang nangyari dahil maraming ng reports ng mga katulad na insidente ng pagbangga ng mga sasakyang-dagat ng Tsina sa mga foreign-flagged na bangkang pangisda.

Dismayado pa si Binay na natatabunan ng pahayag ng China ang testimonya ng mga mangingisda na inabandona ng Chinese vessel sa gitna ng panaganib sa karagatan.


Paliwanag ni Binay, ang pag-abandona o hindi pagsaklolo sa mga nasa panganib sa dagat ay isang malinaw na paglabag sa maritime law.

Isa sa mga tinukoy ni Binay ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan nakapaloob ang obligasyon ng mga bansa na mag-rescue.

Facebook Comments