Recycled import permits, sinisilip na rin ng Malacañang sa harap ng paghabol ng pamahalaan sa nagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura

Lumutang na ngayon ang anggulo sa paggamit ng “recycled import permits”, matapos mapigilan ang pagkalat sana sa merkado ng tangkang pagpuslit sa may 7,021 na metric tons ng asukal mula sa Thailand.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, nakarating na sa kanyang tanggapan na may indikasyong nagamit na sa mga nakaraang sugar shipment ang import permit sa nasabat na tone-toneladang asukal kahapon sa Subic, Zambales.

Ayon kay Rodriguez, malinaw itong economic sabotage na aniya’y isang asuntong walang piyansa at kanilang ipupursige laban sa mga may sala.


Ito ay matapos ang utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pananagutan ang mga sangkot sa sugar smuggling na maigting ng ipinapatupad ng tanggapan ng Executive Secretary.

Facebook Comments