Manila, Philippines – Naka-red alert na ang pamunuan ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) dahil sa bagyong Urduja.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, 24 na oras ang buong puwersa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo partikular sa Eastern Visayas.
Sinabi pa in Marasigan na wala pa naman silang ipinatutupad na forced evacuation sa mga lugar na hinahagupit ng bagyo pero may mga pamilya na inilikas na sa probinsya ng Samar, Eastern Samar at Leyte.
Sa ngayon, nananatili silang nakabantay at patuloy na pinaaalalahanan ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na sentro ng bagyo na mas maging alerto.
Facebook Comments