Inactivate na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Command Center o DRCC ang Red Alert kaugnay ng kaugnay ng banta ng habagat at Bagyong Carina.
Ayon sa DSWD, nakatutok na ito ngayon partikular ang DSWD Disaster Response Management sa sitwasyon sa mga apektadong lugar.
Paliwanag pa ng DSWD nagkaroon na rin ng pulong ang ahensya sa pangunguna ni Disaster Management Group Usec. Diane Rose Cajipe para talakayin ang ikakasang disaster response ng ahensya.
Tuloy-tuloy rin ang mga interventions sa pagtugon sa kalamidad kabilang ang pagpreposisyon sa Family Food Packs.
Sa kasalukuyan, aabot sa ₱2.5 billion ang nakahandang resources ng DSWD kung saan ₱103.34 million ang standby funds, habang ₱1.21 billion naman ang halaga ng Family Food Packs.