Red Alert, mananatili sa kabila ng paglabas sa bansa ni #Crising- OCD

Hindi pa binabawi ng Office of Civil Defense (OCD) ang Red Alert status sa kabila ng paglabas ng Bagyong Crising sa Philippine Area of Responsibility (BAR) noong Sabado.

Ayon kay OCD officer-in-charge Asec. Raffy Alejandro, mananatili ang Red Alert dahil sa papalapit namang Low Pressure Area (LPA) na posibleng magpalakas sa habagat.

Ang nasabing LPA ay namataan sa silangan ng Southeastern Luzon at nasa loob na ng PAR.

Kahit mababa ang tyansang mabuo ito bilang bagyo, maari naman itong magdulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Babala pa ni Alejandro, asahan ang landslide lalo na sa mga bulubunduking lugar dahil ‘saturated’ o basang-basa na ang lupa bunsod nang walang tigil na pag-ulan.

Kaya payo nito sa publiko lumikas kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.

Facebook Comments