Tuesday, February 24, 2026

Red Alert status, itinaas na ng AFP sa NCR para sa anibersaryo ng EDSA Revolution

Itinaas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang status nito sa Red Alert para sa anibersaryo ng EDSA Revolution sa Pebrero 25.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, itinaas ang nasabing alert nito pang Pebrero 21.

Naka-standby na ang AFP para sa anumang eventualities o hindi inaasahang pangyayari , kasama na rito ang resources at ang deployment sakaling kailanganin.

Aalalay ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa Philippine National Police (PNP) na syang pangunahing ahensya na hahawak para nasabing pagtitipon.

Facebook Comments