RED ALERT STATUS, ITINAAS NG RDRRMC 1

Nakataas na sa Red Alert Status ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 – Emergency Operations Center kasunod ng nararanasang epekto ni Bagyong Crising sa Ilocos Region.

Mas pinaigting pa ang monitoring at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, sa mga Local DRRMs sa Region 1 at iba pang ahensya para maantabayan ang kalagayan sa rehiyon.

Patuloy din ang pagsasagawa ng mga CDDRMO ng mga munisipalidad at lungsod sa Rehiyon Uno ng on site monitoring sa kanilang nasasakupan upang tiyakin ang kahandaan at kaligtasan ng mga residente.

Samantala, inaasahang uulanin ang kalakhang Ilocos sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments