Itinaas na ngayong araw ang Red Alert Status ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa magiging epekto ng Bagyong Jenny na maglalandfall umano sa Northern Luzon.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Patrick Aquino,tagapagsalita ng PDRRMO, sinabi nito na naka full alert na ang lahat ng personnel ng PDRRMO katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng PNP, BFP, DSWD at DPWH at kinansela ang nakatakdang leave ng mga empleyado.
Sa monitoring ng PDRRMO, dalawang bayan na ang binabaha, ito ang bayan ng Sta. Barbara na may dalawang barangay na lubog sa baha at 6 na barangay sa Calasiao Pangasinan. Dahil umano ito sa Marusay-Sinocalan River na nasa kritilal level dulot ng pag-uulan na nararanasan noong nakaraang araw at pag-uulan sa upstream na catch basin ang dalawang nasbaing ilog.
Paalala ng PDRRMO,huwag maging kampante sa panahon ng kalamidad at dapat umano’y panatilihin ang pagiging alerto.