RED ALERT STATUS SA BUONG CAGAYAN VALLEY, ITINAAS DAHIL KAY BAGYONG JULIAN

CAUAYAN CITY – Itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang red alert status sa ilang lugar sa Lambak ng Cagayan dahil sa banta ng Bagyong Julian.

Kabilang sa mga nakataas sa red alert status ay ang mga probinsya ng Batanes at Isabela, kasama ang mga bayan ng Calayan at Santa Ana sa probinsya naman ng Cagayan.

Itinataas ang nasabing status kapag kailangang ipatupad ang maximum preparedness at immediate response measures sa mga lugar na sentro ng bagyo.


Samantala, ang natitirang bahagi naman ng Cagayan at Quirino ay kasalukuyang nasa Blue Alert status.

Pinapayuhan naman ang nga residente na nasa apektadong lugar na maging handa at sumunod sa evacuation protocols kung kinakailangan, at higit sa lahat maging updated sa latest weather advisories.

Facebook Comments