Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status sa Luzon grid hanggang alas 11:00 kagabi.
Ayon sa NGCP, nasa 9,506 megawatts lamang ang available power capacity habang ang peak demand ay nasa 9,580 megawatts.
Ibig sabihin, ay kulang ito ng 74 megawatts.
Unang inilagay sa red alert status ang Luzon grid mula alas 6:00 hanggang alas 10:00 kagabi.
At matapos itong alisin sa red alert status ay isinailalim naman ang Luzon grid sa yellow alert status mula alas 11:00 kagabi hanggang alas 12:00 kaninang hatinggabi.
Facebook Comments