Red alert status sa pagtugon sa Bagyong Crising, itinaas na ng DSWD

Epektibo alas-12 ngayon tanghali, kasunod ng rekomendasyon ng Office of the Civil Defense (OCD), itinaas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa red alert status ang kanilang paghahanda para sa Bagyong Crising.

Ang lahat ng regional director, pinaghahanda na para sa mabilisang pagtugon sa mga maapektuhan ng bagyo.

Nagdagdag na rin ng mga DSWD personnel sa OCD upang makipag-coordinate sa local government units na hihiling ng augmentation ng relief items.

In-activate na ng ahensiya ang kanilang pangunahing disaster response protocols, na nakatutok sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na inaasahang tatamaan ng bagyo.

Upang matiyak ang kahandaan, naka-preposition na ang DSWD ng mahigit 2.9-M na standby funds, may handang gamitin ng 1,114 quick response teams (qrts) ang nakamobilize upang magbigay ng agarang suporta sa mga apektadong pamilya sa loob ng unang 72 oras ng disaster.

Inihanda rin ng ahensiya ang specialized units at pasilidad, kabilang ang women-friendly space (wfs) kits, child-friendly space, mobile kitchens, at mobile command centers.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa field offices at local government units (LGUs) upang ma-monitor ang 37,797 evacuation centers.

Facebook Comments