Red at Yellow Alerts sa Luzon, ibinabala dahil sa nakikitang muling pagnipis ng suplay ng kuryente

30

Nagbabadya na namang isailalim sa Red at Yellow Alerts ang Luzon Grid sa susunod na mga linggo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Director Mario Marasigan, nakikita nilang ninipis muli ang suplay ng kuryente sa rehiyon.


Gayunman, maaari ring hindi ito magdulot ng rotating brownouts dahil sa mas mababang demand ngayon sa kuryente.

Kamakailan lang nang makaranas ng ilang araw na rotational power interruption sa Luzon dahil sa pagnipis ng reserbang kuryente bunsod ng mga unplanned outages ng mga planta.

Facebook Comments