Red Cross honors Outstanding blood donors, pinarangalan ng Philippine Red Cross

Pinarangalan ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang donors at partners sa blood donation campaign.

Kasabay ito ng selebrasyon ng National Blood Donors Month ngayong July 31.

Kabilang sa pinarangalan ang 293 blood donors kung saan 169 sa kanila ay Blood Galloners o mga indibidwal na nag-donate na ng galon-galong mga dugo.


Pinasalamatan naman ni Philippine Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon ang mga kompanya, educational institutions, at mga ahensiya ng pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa kanilang blood services at programs.

Present din sa Blood Donors Recognition Ceremony sina RMN Foundation Vice President for Operations and RMN Networks Corporate Communications Head Enrique “Ikey” Canoy and RMN Networks Corporate Communications Assistant Andy Canoy.

Facebook Comments