Red Cross, naglagay na ng welfare desks sa mga lugar na naapektuhan ng lindol

Manila, Philippines – Nag setup na ng welfare desks ang Philippine Red Cross o PRC sa mga lugar na naapaktuhan ng lindol kahapon sa Visayas region.

Ito ang inihayag ni Senator Richard Gordon na syang chairman ng Red Cross.

Kabilang sa mga lugar na nilagyan ng PRC welfare desks ay ang Ormoc District Hosptial, Ormoc Doctors Hospital, at New Town Grocery sa Kananga at iba pa lugar sa Leyte.


Ayon kay Senator Gordon, nagkakaloob ang mga kanilang welfare desks ng psychological support at tracing services sa mga pamilyang nabiktima ng lindol.

Ibinalita din ni Gordon na mayroong tatlong talong gulang na batang babae ang nakuha ng Red Cross ambulance mula sa Newtown grocery sa Kanangan Leyte.

Meron din aniyang pasyente sa Ormoc Doctors Hospital ang nabigyan ng Red Cross ng dugo.

Hinihikayat din ni Senator Gordon ang mga nabiktima ng lindol na makipag uganayan sa Red Cross para mabigyan ng agarang aksyon.

Facebook Comments