Red Cross, nagpadala na ng payloader sa Marikina para magamit sa clearing operations

Nagpadala na ang Philippine Red Cross (PRC) ng payloader sa Marikina City para magamit sa pag-alis sa mga putik at debris na nakaharang sa mga kalsada sa Marikina City at sa paligid ng Marikina River.

Tiniyak din ng Red Cross na nakakalat ngayon ang kanilang volunteers para tumulong sa paglilinis at sa mga nakaharang sa kalsada matapos ang matinding pagbaha.

Una nang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Marikina City dahil balot pa ng putik ang mga kalsada at tahanan.


Ilan din sa mga eskwelahan sa lungsod ang ginagamit na evacuation centers.

Facebook Comments