Red Cross, namahagi ng tulong pinansyal sa ilang residente ng Brgy. 91 at Barangay 234 Tondo, Manila

Umabot ng dalawang daan at apat (204) na mga pamilya mula sa dalawang barangay ng Tondo, Manila ang nabigyan ng multipurpose cash grant ng Philippine Red Cross (PRC).

Mula sa nasabing bilang, 111 rito ay mula sa Barangay 91 at 93 naman na pamilya ay mula sa Barangay 234.

Ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng tig-₱3,500 bilang ayudang pinansyal ng PRC.


Ayon kay Edison Enriquez, Media Coordinator ng PRC para sa nasabing programa, mga pamilya na nangungupahan at nawalan ng trabaho at kabuhayan o mga pamilya na lubhang naapektuhan sa ipinatupad na community quarantine dahil sa COVID-19.

Pero aniya dapat ay hindi nakatanggap ng anumang uri ng ayudang pinansyal mula sa lokal at national na pamahalaan.

Layunin ng PRC na maiangat muli ang dignidad at tulungan na makapagsimula muli ang mga pamilyang na apektuhan ng pandemya.

Una nang namahagi ng tulong pinansyal ang PRC sa Barangay West Crame ng lungsod ng San Juan at Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City na meron tig-₱850 na pamilya ang nakapagbenepisyo sa nasabing progarama.

Facebook Comments