Red Cross, tuloy sa pagbibigay ng dugo sa mga sugatan sa nangyaring Jolo, Sulu bombing

Patuloy ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagbibigay ng tulong sa mga sugatan sa nangyaring Jolo, Sulu bombing.

Ayon sa PRC nakapagbigay na sila ng psychosocial support sa mga biktima ng pagsabog.

Nakapagpadala na rin sila ng 51 units ng dugo, sa nasabing bilang 23 ang naibigay sa Sulu, 3 sa Ciudad Medical Zamboanga at 25 sa WesMinCom.


Samantala, nagtayo narin ng first aid stations at welfare desk ang PRC sa Mt. Carmen Cathedral at sa WesMinCom habang nag-dispatch na rin sila ng 3 ambulansya sa Zamboanga at nakapagpadala na ng 32 staff at volunteers sa Zamboanga City at Sulu.

Facebook Comments