Tuesday, April 7, 2026

Red Notice laban kay Zaldy Co, posibleng ilabas ng Interpol ngayong linggo ayon sa DILG

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakapag-apply na sila para sa pagkuha ng Red Notice ng International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, inaasahang makakapag-isyu na ng Red Notice ang Interpol ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Ang Red Notice ay proseso ng paghingi ng tulong sa mga law enforcement sa ibang bansa upang hilingin ang provisional arrest laban sa isang tao na may pending extradition, surrender, o kahalintulad na legal action alinsunod sa alituntunin ng Interpol.

Ayon pa kay Remulla, nananatili sa Portugal si Co.

Noong November 2025, nag-isyu ng Blue Notice ang Interpol laban kay Co.

Nauna nang nag-isyu ng arrest warrants ang Sandiganbayan laban kay Co at sa 17 iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga director ng Sunwest Corp. kaugnay ng maanomalyang ₱289 million flood control project sa Oriental Mindoro.

Facebook Comments