RED OCTOBER | Mga militanteng grupo, tikom ang bibig sa oplan aklasan

Manila, Philippines – Ayaw magsalita ng mga militanteng grupo hinggil sa natuklasan ng militar na may ikinakasang sabay-sabay na pag-aaklas umano ng iba’t-ibang grupo na ayon sa militar ay gagawin sa Oktubre 17.

Bahagi umano ng aklasan na sabay sabay na pag-strike ng mga labor unions, walk out sa mga klase sa buong bansa at pagbaba ng mga Lumad sa kalunsuran.

Sa halip, tinawag ng grupong CARMMA o Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law na dejavu o isang pangyayari na nauulit ang istratehiya na magpalutang ng takot para patahimikin ang mga kritiko.


Kasunod ito ng ibinunyag ng AFP o Armed Forces of the Phlippines na Red October Ouster Plot laban sa administrasyong Duterte.

Ayon sa grupo, malinaw para sa kanila na ang mga inilalabas na akusasyon ay bumubuhay muli sa bangungot na sinapit nila noong unang batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments