RED OCTOBER | Mga paaralang tinukoy ng AFP na recruitment ground ng mga komunista, hindi isasailalim sa surveillance

Manila, Philippines – Hindi isasailalim sa surveillance ng Philippine National Police (PNP) ang mga paaralang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na recruitment ground ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA).

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, direkta silang makikipag-ugnayan sa pamunuan ng mga paaralan.

Pero hindi aniya ito nangangahulugan na babantayan na ng mga pulis ang mga estudyante.


Giit ni Albayalde, panahon na para magkaroon ng direct intervention ang PNP para kontrahin ang umano ay panlilinlang ng mga komunista sa mga estudyante.

Gayunman, nilinaw ni Albayalde na hindi nila pipilitin ang pamunuan ng mga paaralan kung ayaw ng mga ito na makipagtulungan sa kanila.

Facebook Comments