Manila, Philippines – Maghahasik ng kaguluhan ang Communist Party of the Philippine sa ilang mga lugar para pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Ayon kay AFP Chief of Staff Carlito Galvez, layon nitong masagad si Pangulo Rodrigo Duterte para mapilitang magdeklara ng martial law na maaaring ikagalit ng taumbayan.
Sabi pa ni Galvez, base sa planong Red October plot, gagamitin ang hanay ng mga manggagawa, katutubo at mga estudyante para magsagawa ng mga kilos protesta habang may mga tactical offensive sa mga kanayunan ang New Peoples Army (NPA).
Giit ni Galvez, Setyembre 21 nagsimula ang mga kilos protesta at tatagal ng anibersaryo ng CPP-NPA sa Disyembre hanggang sa kalagitnaan ng 2019.
Facebook Comments