Nagpapatuloy pa rin ang plano ng mga rebeldeng komunista na pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Ito ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Assistant Deputy Chief of Operations, Brig/Gen. Antonio Parlade kaugnay sa napipintong ‘Red October plot’.
Ayon kay Parlade – bukod sa ‘oplan aklasan’, ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ay planong magkasa ng ‘daluyong manggagawa’ kung saan makikibahagi sa social unrest ang mga magsasaka at manggagawa.
Kabilang sa mga aktibidad sa social unrest ay riot, rebellion at nonviolent resistance.
Magsasagawa rin ang mga komunistang grupo ng tactical offensives o coordinated attacks sa buong bansa.
Pero tiniyak ng AFP na hindi magtatagumpay ang mga planong ito lalo at hindi sila makakuha ng suporta mula sa mga eskwelahan, simbahan, union members at iba pa.