RED OCTOBER | NCRPO, naka-monitor sa mga paaralan kung saan umano nagre-recruit ang CPP-NPA

Manila, Philippines – Naka-monitor ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng pagkilos ng CPP-NPA sa mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

Ito ang pagtitiyak ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, matapos ilabas kahapon ng AFP ang listahan ng mga paaralan kung saan umano nagre-recruit ang CPP-NPA para sa kanilang planong “Red October” laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Lahat kasi ng mga paaralang tinukoy ng AFP ay pawang nasa Metro Manila.


Paglilinaw ni Eleazar, walang magaganap na pag-aresto at pagpasok sa mga paaralan kasunod ng natanggap na impormasyon sa militar.

Tiniyak ni Eleazar na patuloy pa ring magbabantay ang pulisya at magkakaroon lamang ng pag-aresto kung may mga paglabag na silang makikita tulad ng paggawa ng rebelyon o pag-iingat ng mga kontrabando.

Samantala, nilinaw pa nito na nananatili pa rin sa heightened alert ang NCRPO kasunod ng nangyaring pagsabog sa Lamitan Basilan noong Agosto na ikinasawi ng hindi bababa sa 10 katao.

Facebook Comments