RED OCTOBER | PRRD, naniniwalang may ilang sundalo ang nakikipagsabwatan sa LP at komunista

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang sundalo na nakikipagsabwatan sa Liberal Party (LP) at mga komunista para patalsikin siya sa pwesto.

Ito ang tahasang sinabi ng Pangulo kasabay ng ulat ng AFP na may nilulutong ouster plot laban sa kanya sa susunod na buwan.

Ayon kay Duterte – walang isyu sa kanya kung hindi na siya gusto ng mga sundalo pero sana ay hindi na huwag nang makipagtulungan sa mga kaaway ng pamahalaan.


Nauna nang iginiit ng AFP na buo ang kanilang suporta sa Pangulo at walang sundalong kasabwat sa pagpapatalsik sa Pangulo.

Facebook Comments