Red tagging ng Defense Department sa Makabayan Bloc may basehan na ayon kay Secretary Lorenzana

603

Malinaw na ngayon na may basehan ang red tagging ng Department of National Defense (DND) sa Makabayan Bloc.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mapatay sa engkwentro ng New People’s Army (NPA) at Philippine Army sa Surigao del Sur ang NPA terrorist na bunsong anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Culliamat na si Jevilyn Cullamat.


Ayon sa kalihim, malihaw na sinusuportahan ng Makabayan ang ginagawang marahas na pakikibaka o armed struggle ng NPA.

Inihayag pa ng kalihim na maliban sa bunsong anak ni Bayan Muna Representative Eufemia, miyembro rin daw ng NPA ang ilang kapatid nito.

Nanawagan naman ngayon si Secretary Lorenzana sa Communist Party of the Philippines -New Peoples Army o CPP-NPA na itigil na ang marahas na pakikibaka para wala ng mga kabataang namamatay na kanilang naloloko para umanib sa kanilang samahan.

Facebook Comments