Wednesday, February 25, 2026

Red tape at fixer, dahilan kung bakit bumabagal ang serbisyo ng gobyerno —PBBM

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na red tape at matinding burukrasya ang ilan sa pangunahing dahilan kung bakit naaantala ang mga serbisyo at transaksyon sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, may mga fixer sa ilang ahensya na nakikipagsabwatan pa umano sa ilang kawani para kumita nang palihim.

Ito aniya ang dahilan kung bakit itinutulak niya ang digitalization para tuluyang maputol ang iligal na transaksyon.

Paliwanag ng pangulo, kapag naging fully digital ang proseso, mawawala ang pisikal na kontak at mababawasan ang pagkakataon sa korapsyon.

Target ng pangulo na maging ganap na digitalized ang ilang ahensya bago matapos ang kanyang termino sa 2028.

Umaasa rin ang pangulo na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang programang ito para mas mapabilis at maging mas mapagkakatiwalaan ang serbisyo ng gobyerno.

Facebook Comments