Mahigpit na nagbabantay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga mall at iba pang establisyemento para masigurong sumusunod sa umiiral na health safety protocols.
Ito ang inihayag ni PNP Directorate for Operations Chief Major Gen. Alfred Corpuz.
Aniya, ang Red Team ang nakatoka na para masigurong may foot baths, hand sanitizers at body temperature scanners sa lahat ng entry points; hiwalay ang entrance at exit, at may signages na nagpapaala ng pagsusuot ng face mask at face shield.
Bukod dito, tututukan din ng Red Team ang kanilang area of operations kasama ang deployment ng kanilang mga tauhan.
Tutulong din sila sa pagbibigay ng advice sa mga Chief of Police at unit commanders sa mga adjustment na dapat gawin pagdating naman sa pagkontrol ng mga tao sa mga pampublikong lugar.