RED THURSDAY | Bakod ng Korte Suprema, may mga nakasabit na pulang ribbon

Manila, Philippines – Isang araw bago ang pagdedesisyon ng Korte Suprema bukas sa quo warranto case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, namamayani ngayon ang kulay pula sa compound ng Kataastaasang Hukuman.

Pula ang kulay na simbolo ng mga opisyal at kawani ng Hudikatura na nananawagan ng resignation ni Sereno.

Ayon sa Supreme Court Employees Association (SCEA), ang araw na ito ay ikinakasa nila bilang Red Thursday at bukas na mismong araw ng botohan ay Red Friday.


Anila, naninindigan at nagkakaisa sila para protektahan ang integridad ng Korte Suprema.

Hindi rin sila natitinag sa pagbabalik ni Sereno sa trabaho kahapon.

Facebook Comments