Manila, Philippines – Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa pitong lugar sa bansa.
Ito’y matapos makumpirmang may isa na ang namatay makaraang malason sa kinaing shellfish.
Ayon sa BFAR fisheries Resources Management Division Chief Sandra Arcamo – positibo sa red tide toxin ang mga sumusunod na lugar.
1. Irong-Irong Bay, Eastern Samar
2. Inner Malampaya Sound, Taytay, Palawan
3. Puerto Princesa Bay, Palawan
4. Baybayin Ng Mandaon, Masbate
5. Baybayin Ng Placer, Masbate
6. Siit Bay, Siaton, Negros Oriental
7. Balite Bay, Mati, Davao Oriental
Paalala ni Arcamo – bawal kumuha, magbenta at kumain ng mga shellfish sa mga lugar na may red tide alert.
Paglilinaw naman ni Arcamo – pwedeng kumain ng isda, pusit o kaya talangka mula sa mga red tide areas pero kailangang malinis ng mabuti at tanggalan ng lamang loob.
Kadalasang nagkaka-red tide kapag matagal ang tag-init na sinundan ng malakas na pag-ulan.