Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na iwasan munang kumain ng mga shellfish na nahuli sa ilang coastal areas dahil sa red tide.
Ayon kay BFAR Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona – apektado ng red tide ang mga baybayin ng Daram Island, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay at Villareal Bay sa Western Samar.
Apektado rin ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte, Innerr Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay sa Palawan.
Maging ang coastal waters ng Mandaon sa Masbate ay apektado ng red tide.
Payo ni Gongona – huwag munang manghuli, magbenta at bumili ng mga shellfish dahil positibo pa rin ito sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) na nagdudulot ng paralysis, hirap sa paghinga, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka at posibleng ikamatay ng tao.
Sa kabila nito, maari pa ring kumain ng isda, pusit, hipon at alimango na nahugasan, inalisan ng ilang internal organs tulad ng hasang at naluto ng maigi.