Dahil dito, lubhang napuruhan ang kabuhayan ng mga mangingisda maging ang mga magsasaka , tindera at kolektor ng mga shellfish products sa lalawigan.
Matatandaang unang idineklara ng tanggapan na positibo sa red tide toxin ang mga baybayin sa Anda at Bolinao noong April 10 at patuloy na binabantayan sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, hinikayat ng tanggapan ang mga fisherfolks na magparehistro sa FishR system upang magkaroon ng access sa mga serbisyo at tulong ng gobyerno at maprotektahan ang kalakalan ng produkto sa paghadlang ng illegal harvesting sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mandatory permit.
Samantala, tumanggap ng 302 food packs mula sa ahensya ng gobyerno ang pamilya ng mga apektadong mangingisda dahil sa patuloy na nararanasang red tide outbreak sa ilang bahagi ng Western Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







