RED TIDE TOXIN, MULING NAKITA SA MGA BAYBAYIN NG ANDA AT BOLINAO

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Fisheries Office I na muling nakitaan ng red tide toxin ang mga shellfish na nakolekta mula sa karagatan ng Bolinao at Anda, ayon sa kanilang pinakahuling pagsusuri sa laboratoryo.

Kaugnay nito, mariing ipinapayo sa publiko na umiwas muna sa panghuhuli, pagbebenta, at pagkain ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar hanggang sa maglabas ng opisyal na Shellfish Bulletin ang kinauukulan.

Samantala, nananatiling ligtas kainin ang isda, pusit, alimango, at hipon kung ang mga ito ay sariwa, maayos na nalinis, natanggalan ng laman-loob, at nahugasan nang mabuti bago lutuin.

Patuloy ang ginagawang pagbabantay at pagsusuri ng BFAR upang matiyak ang kaligtasan ng residente mula sa naturang lason.

Matatandaan, isang linggo pa lamang ang lumipas nang ihayag ng tanggapan ang pagiging red-tide free ng mga parehong baybayin ngunit muling nagpositibo sa kasalukuyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments