Red wine, umagos sa gripo ng mga residente sa bayan sa Italy

Sa loob ng ilang oras, red wine ang umagos sa gripo sa kusina at banyo ng ilang residente sa isang bayan sa Italy noong nakaraang Miyerkules.

Ayon sa CNN, 1,000 litro ng wine ang tumagas sa daluyan ng tubig matapos magkaroon valve malfunction sa lokal na winery sa Castelvetro.

Sa tatlong oras, 20 kabahayan ang nakatikim ng libreng Lambrusco Grasparossa, sparkling wine mula sa Cantina Settecani winery.


Naglabas naman ng pahayag sa Facebook ang lokal na pamahalaan na walang masamang epekto sa kalusugan ang nangyaring tagas.

Batay sa commercial manager ng Cantina Settecani, ikinatuwa pa raw ng marami ang nangyari at umamin pa ang ilan na sinahod nila ang wine.

Facebook Comments