Manila, Philippines – Handa ang Palasyo ng Malacañang na padaluhin ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa issue ng redaction sa ilang impormasyon sa kanilang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang mali o iregularidad sa ginawang redaction sa ilang impormasyon sa SALN ng mga Gabinete dahil na rin sa pagsasaalang-alang sa kanilang seguridad.
Sinabi pa ni Abella na nasa learning process pa rin ang gobyerno sa pagpapatupad ng Freedom of Information at ang pagpapatupad ng Data Privacy Act.
Sa ngayon aniya ay inaabangan na nila ang panuntunan mula sa National Privacy Commission para maplantsa ang issue ng redaction sa SALN ng mga Gabinete.
Matatandaan na kinwestiyon ng Senado sa SALN information ng mga cabinet officials dahil lumalabag umano ito sa transparency provisions ng Saligang Batas.