Target ng Manila City Government na sa susunod na taon ay mabuksan na muli sa publiko ang isang mas maganda, maayos at malinis na Manila Zoo na maikukumpara sa Singapore Zoo.
Pahayag ito ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kasunod ng ginawang groundbreaking ceremony para sa redevelopment at rehabilitation ng bagong Manila Zoo kung saan mas maiingatan ang kalusugan ng mga hayop at ng mga namamasyal.
Sinabi ni Mayor Isko na ang pagpapahusay sa kondisyon ng Manila Zoo ay bahagi ng mga hakbang na mapag-ibayo ang ekonomiya sa lungsod.
Ayon sa Manila Department of Engineering and Public Works, aabutin ng 19 na buwan ang pagsasaayos sa 51,000 square meters na Manila Zoo.
Magugunitang ipinasara noon ng Department of Environment of Natural Resources (DENR) ang Manila Zoo dahil nakakadagdag ito ng dumi sa Manila Bay.