Redistribution ng mga housing projects sa ibang qualified beneficiaries, lusot na sa plenaryo

Manila, Philippines – Nakalusot na sa plenaryo sa ikalawang pagbasa ang House Resolution 11 na naglalayong igawad sa ibang qualified beneficiaries ang housing projects ng pamahalaan.

Ito ay bunsod na rin ng pag-occupy ng KADAMAY sa Pandi, Bulacan sa mga pabahay na nakalaan para sa mga sundalo at pulis.

Sa plenaryo ay agad itong nakalusot at wala ng nag-interpellate pa kay Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na siyang sponsor ng panukala.


Binibigyang mandato ang NHA para tukuyin ang ibang alternative beneficiaries na pwedeng makinabang sa mga housing units tulad ng mga public school teachers, local government employees, barangay employees at informal settlers.

Batid ng mambabatas na maraming pabahay ang ilang taong nakatiwangwang at napabayaan na ng mga orihinal na beneficiaries.

Nakasaad sa resolusyon ang redistribution ng mga housing projects ng AFP, PNP, BJMP, BUCOR AT BFP na hindi na tinirahan, kinansela o nai-surrender na ownership ng mga housing units para sa ibang kwalipikadong benepisyaryo.

Sa datos ng Commission on Audit, nasa 8.09 % lamang ang okupado na mga housing units o 8,240 units sa kabuuang 74,195 units na target ngayong taon.

Nasa 62,308 units naman ang nakumpleto na ang construction habang 52,892 units ang nai-award na sa mga target beneficiaries.

Facebook Comments