Reelectionist Vice Mayor ng Ormoc City, may kamukhang Hollywood actor!

Image via Facebook/Leo Carmelo "Toto" Locsin Jr.

Naging viral ngayon sa social media ang litrato ni Ormoc City vice mayor-elect Leo Carmelo “Toto” Locsin Jr. dahil di umano’y kamukha niya si Hollywood British actor Tom Ellis.

Kilala si Tom Ellis bilang Lucifer Morningstar sa urban fantasy program ng Netflix na ‘Lucifer.’

Ibinahagi ni Facebook user Mia Araneta ang pagkakahambing ng dalawang personalities.


Dati nang binansangang “Team Gwapo” at “Ormoc Hotties” ang tandem nila ng aktor at incoming mayor Richard Gomez dahil sa pagiging guwapo at matipuno. Landslide victory ang iginawad ng mga taga-Ormoc sa dalawang kandidato matapos talunin ang pamilya Codilla nitong eleksyon.

Tiniyak nina Gomez at Locsin na ibibigay nila ang magandang buhay para sa mga kababayan.

Para sa ilang netizens, sang-ayon sila na magkahawig ang dalawa. Mayroon nang 9,000 likes at 11,000 shares ang larawan.

Facebook Comments