Muling pinaalalahanan ng kapulisan sa Binmaley, Pangasinan ang lahat ng motorista na mahigpit na sundin ang pagsusuot ng reflectorized vest tuwing gabi upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.
Sa panayam kay Binmaley Police Station Officer in Charge PLtCol. Lister Saygo, alinsunod ito sa Municipal Ordinance No. 17, S-2025 na pinaiiral ang nighttime visibility ng mga motorista mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga sa buong bayan.
Saklaw ng ordinansa ang mga rider ng motorsiklo, traysikel, bisikleta, e-trike at e-bike.
Nakasaad sa ordinansa na dapat magsuot ng reflectorized vest, luminous na kasuotan at gumamit ng high visibility lights habang bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada.
Giit ng kapulisan na may kaukulang parusa sa mga lalabag sa naturang batas.
Bukod dito, iniulat din sa publiko na sumunod upang maiwasan ang multa at aksidente sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










