REFORESTATION | Open pit mining operations sa bansa, maaring ipagbawal na ni P-Duterte sa susunod na taon

Manila, Philippines – Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwang ultimatum ang mga mining companies para sa reforestation sa lugar ng kanilang pinagmiminahan.

Ayon sa Pangulo, ipapahinto niya ang operasyon ng mga mining companies kapag nakita niya na mayroon bahagi sa lugar ng kanilang pinagmiminahan ang nakakalbo.

Sinabi pa ni Duterte na posibleng sa susunod na taon ay ipagbabawal na niya ang open pit mining operations sa buong bansa.


Facebook Comments