Isinusulong ang reforestation sa mga watershed sa La Union sa pamamagitan ng sunod-sunod na tree growing activities na isinagawa sa mga bayan ng Santol, Bangar, at Tubao.
Ito ay bahagi ng mga hakbang sa pangangasiwa sa Lower Amburayan River Basin at Aringay River Basin.
Layunin ng mga aktibidad na palakasin ang pangangalaga sa mga watershed upang makatulong sa pagtugon sa patuloy na suliranin sa kakulangan ng suplay ng tubig sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga komunidad sa pagsusulong ng mga programang umaangkop sa nagbabagong panahon.
Facebook Comments









