Amerika – Pwede nang pumasok sa Estados Unidos ang mga refugee mula sa labing isang bansa na itinuturing na “High-Risk.”
Ito ay matapos ianunsiyo ng US na ititigil na ang ipinatutupad na refugee ban mula sa labing isang Muslim countries kabilang na ang North Korea.
Sabi ni Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen, kailangan munang sumailalim sa mahigpit na assessment ang mga nagnanais na makapasok sa US.
Sa ganitong paraan aniya, mahihirapan ang mga masasamang elemento na samantalahin ang pagkakataon para lamang makapasok sa Amerika.
Kabilang sa mga bansang pinatawan ng ban ay ang mga sumusunod: Egypt, Iran, Iraq, Libya, Mali, North Korea, Somalia, South Sudan, Sudan, Syria at Yemen.
Facebook Comments