Refund ng Grab sa kanilang mga pasahero, sisimulan na

Epektibo sa Disyembre 31 ng kasalukuyang taon, sisimulan na ng Grab Philippines ang refund sa kanilang mga pasahero sa Metro Manila.

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Grab na ito ay bilang pagtalima nila sa kautusan ng Philippine Competition Commission na nagpataw sa kanila ng parusa.

 

Ang nasabing ride-hailing firm ay pinatawan ng PCC ng 19 million pesos na parusa dahil sa mga overcharging at cancelled rites nito sa kanilang mga pasahero.


 

Sinabi ng pamunuan ng Grab Philippines, ibabawas nila sa mga pamasahe sa susunod na pagsakay ng kanilang mga pasahero ang nasabing multa.

 

Facebook Comments