Refund ng MERALCO sa kanilang consumers, naipatupad na ayon sa ERC

Nasimulan nang i-refund ng MERALCO sa kanilang mga consumer ang P21.7 bilyon.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Chairperson Agnes Devanadera ng Energy Regulatory Commission na sakop na buwan na dapat i-refund ng MERALCO ay ang electricity bill nitong January 27, 2021 na umabot sa P13.8-B, Feb. 23 2022 na may P4.8-B, March 8, 2022 na may P7.7-B at itong huli ay June 16 na umabot sa P21.7-B.

Sinabi ni Devanadera, na-i-refund na sa mga MERALCO consumer ang tatlong naunang buwan habang sa susunod na buwan ay maire-refund ang halagang dapat na ibalik sa kanila.


Paliwanag ni Devanadera, hindi over charging ang ginawa ng MERALCO sa halip ay nagkaroon lamang daw ng projection o pag-estimate sa pagko-compute ng electricity bill sa bawat consumers at kapag natukoy na ang actual usage ng kuryente ay ibinibalik naman ito sa consumers.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Devanadera sa mga MERALCO consumer ang dahilan ng mataas na presyo ng kuryente ilan aniya sa factor ay dahil sa nagpapatuloy na gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Kaya naman pagtitipid sa kuryente ang kaniyang ipinapayo sa lahat upang kahit papanoy mabawasan ang bill sa kuryente buwan buwan.

Facebook Comments