Refund para sa mga apektado ng water crisis, isinulong sa Senado

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na mabigyan ng refund ang lahat ng naapektuhan ng krisis sa tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Sabi ni Poe, dapat maibalik sa mga customers ng Manila Water ang siningil nito para sa Cardona water treatment facility na hindi pa naman pala gumagana.

Ayon kay Poe, kung pupwede ay magkaroon din sana ng dalawang buwan na hindi muna magbayad ang mga sakop ng operasyon ng Manila Water.


Bukod dito ay isinulong din ni Senator Poe na mabigyan ng kompensasyon ang mga Local Government Units (LGUs) na naperwisyo at gumagastos na dahil sa kawalan ng suplay ng tubig mula sa Manila Water.

Facebook Comments