Refund sa kuryente para sa mga consumer ng Meralco, pinamamadali

Kinalampag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang Meralco na madaliin ang pagbibigay ng refund sa kanilang mga customers na aabot sa P987.16 million.

Ito’y matapos ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco na i-refund ang nasabing halaga sa mga consumer na nasingil para sa 22 centavos per kilowatt-hour dahil sa kawalan ng rate reset.

Iginiit ng senador na maibalik ang nasingil dahil sa maling pagpataw ng singil.


Bukod dito, aabot sa mahigit P1 billion ang dapat na mai-refund sa mga consumer mula sa sobrang singil ng 16 na distribution utilities kasama ang Meralco.

Nababahala naman si Tolentino sa mabagal na aksyon ng ERC sa proseso ng power rate resets partikular sa Meralco na noong 2015 pa napaso ang huling rate reset.

Binigyang-diin ni Tolentino na tungkulin ng ERC na pangalagaan ang interes ng mga consumer kasama na rito ang pagtitiyak na napapanahon ang rate review upang maiwasan ang pang pang-aabuso ng mga nasa industriya ng kuryente.

Facebook Comments