REGALO | Pangulong Rodrigo Duterte, bibisita sa Cebu sa susunod na Lunes

Manila, Philippines – Pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng marker para sa proyektong “Malasakit Center” na itatayo sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ngayong Pebrero dose sa lungsod ng Cebu.

Ang paglulunsad ng proyekto ay ang unang pagkakataon din na mabisita ng pangulo ang Cebu City ngayong taon.

Ayun kay Presidential Assistant for the Visayas na si Michael Dino ang “Malasakit Center” ay isang regalo ng Pangulo sa mamamayan ng Visayas lalo na sa mga mahihirap na pasyente ngayong Valentine`s Day.


Facebook Comments