Regine Velasquez, may pakiusap sa bashers matapos magkamali sa pangalan ni Kobe Bryant

Regine Velasquez. Image: Instagram/reginevalcasid

Puwede namang itama nang hindi namamahiya.

Ito ang buwelta ni Regine Velasquez sa mga pumuna nang magkamali siya sa spelling ng pangalan ni Kobe Bryant.

Sa Instagram nitong Martes, nag-post ang Asia’s Songbird ng litrato ni Bryant kasunod ng balitang nasawi ang NBA legend sa pagbagsak ng sinasakyan helicopter sa Calabasas, California.


Imbis na “Kobe”, “#RIPCoby” ang nailagay ni Velasquez sa kanyang caption sa post na ngayon ay naitama na.

Agad itong napansin ng ilang netizens na nag-iwan din ng mga negatibong komento.

Sa isang Twitter post na tugon dito, pinaalala ng singer sa kanyang followers na mayroon siyang dyslexia o reading disorder.

“I always make a mistake with spelling someone’s name you can correct me without embarrassing me and it’s ok,” aniya.

“I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad,” dagdag ng singer.


Unang nabanggit ni Velasquez ang tungkol sa kanyang disorder, na aniya’y hindi magiging sagabal sa kanyang career, sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong 2012.

Facebook Comments