Regine Velasquez, nag-sorry sa kanyang “insensitive comment” sa Payatas

Nag-sorry si Asian Song Bird Regine Velasquez sa “insensitive comment” niya sa kanyang bagong vlog tungkol sa Payatas.

Sa kanyang vlog post sa YouTube noong Huwebes kasama ang kanyang anak na si Nate, ibinahagi ni Regine ang kanyang luxury bag collection kung saan kabilang rito ang isang vintage Fendi leather bag.

Inihalintulad ni Regine ang di kaaya-ayang amoy ng kanyang leather bag sa Payatas, na dating mayroong garbage dumpsites.


Ang nasabing bag rin aniya ay ginamit niya noong bumisita siya sa Payatas para sa isang documentary.

Dahil sa kanyang komento, umani ng batikos si Regine mula sa netizens dahil sa pagiging insensitive nito.

Pero nitong weekend, humingi ng dispensa si Regine mula sa kanyang mga na-offend at sinabing hindi niya ito intensyon at sa susunod ay magiging mas careful na ito sa mga binibitawang salita.

Facebook Comments