Region 02 Athletes, Patuloy na Lumalaban!

67

Cauayan City, Isabela – Mainit pa rin ang pakikipagtagisan ng mga atleta mula sa Rehiyon 02 sa ginaganap na Palarong Pambansa 2019 sa Davao City UP Sports Complex, Davao City.

Ito ang ipinahayag ni Ginoong Joselito Narag ng Education Support Service Division Head DepEd Region 2 sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya sa programang straight to the point.


Sa ngayon, nakapagtala na ng apat na gold, isang silver at isang bronze ang mga manlalaro ng Cagayan Valley mula sa 17 na rehiyon.

Ayon pa kay Narag, nasa kabuuang 632 ang Region 2 delegation at 488 rito ay mga atleta.

Wala pa naman aniyang naitalang mabibigat na injury sa mga manlalaro nang magsimula ang unang bahagi ng Palaro.

Umaasa naman si Ginoong Narag na makapag-ambag pa ng medalya ang mga atleta sa mga susunod pang mga araw sa iba pang mga sports events.

Facebook Comments

From Advertisers