Ikatlo ang Region 1 sa buong bansa na nangunguna pagdating sa vaccination coverage kontra COVID-19.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer,nangunguna sa vaccination coverage ang National Capital region, pangalawa ang Cordillera Administrative Region at ikatlo ang Ilocos Region na nakapagturok na ng higit tatlong milyon katao para sa kanilang unang dose ng bakuna.
Umabot naman sa 2, 876, 862 ang fully vaccinated at 165, 838 ang nabigyan ng booster dose. Nagpasalamat naman si Bobis sa mga healthcare workers sa kanilang ibinibigay na dedikasyon sa pagbabakuna upang mas mapataas at mapabilis pa ang vaccination coverage rehiyon.
Samantala, tumaas naman ang eligible population ng Region 1 sa vaccination program nito na mula sa 3, 719, 256 ngayong 2022 ito ay nasa 4, 117, 886 na. | ifmnews
Facebook Comments